Thursday, April 23, 2026

MGA ALITAPTAP (Halaw Kay Mila D. Aguilar)



Na tumatawid
dito sa ilog
sa lilim ng gabi
papuntang poblacion
kaunting layo lang
sa kampo ng kalaban.
Walang imik,
nagsanga ang ating daan.

Dito sa ilog
tinabunan ng ningning
ng libong alitaptap
ang lalim ng gabi.
Nakapaligid, lumiligid.
Dito sa puno.
Dito sa ilog.

Kinakatok ng pighati
ang aking dibdib
sa pagwawalay
singtalas ng kislap
ng mga alitaptap.
Nangangako ng tagumpay
ng libo-libong tagumpay
sinusugatan nitong mga alitaptap
ang gabi, ang katahimikan.

Dito sa ilog
binabasag ng kislap
ng mga alitaptap
ang katahimikan, ang gabi.
Nakapaligid, lumiligid.
Dito sa puno.
Dito sa ilog.

Wednesday, April 22, 2026

GUSTO KO LANG SABIHING (Halaw kay William Carlos Williams)



Kinain ko na
ang mga ubas
na nasa
pridyeder

Baka kasi
hanapin mo
pa mamaya
panghimagas

Patawad
pagkalamig-
lamig kasi
pagkatamis-
tamis
pagkasarap-
sarap