Tuesday, April 7, 2015

Ngayong Tila Akin Na ang Oras ni Patrizia Cavalli



Ngayong tila akin na ang oras
at wala nang nagyayaya sa akin para mananghalian o maghapunan;
ngayong malaya na akong tumigil at panoorin
kung paanong ang ulap ay nagpapakawala't nawawalan ng kulay
kung paanong ang pusa'y naglalakad sa bubungan
sa gitna ng masaganang pangangaso, ngayong
ang naghihintay na lamang sa akin sa araw-araw
ay ang walang hanggang hangganan ng isang gabi
na wala nang tumatawag at wala nang dahilan
na magmadaling maghubad at humimbing sa loob
ng nakaliliyong tamis ng isang katawang nag-aabang sa akin,
ngayong ang bawat umaga'y wala nang simula
at tahimik itong nagpapaubaya sa bawat balak ko,
sa bawat kumpas ng aking tinig, ngayon, bigla,
hinahanap ko ang bilangguan.

-Salin ni Aris Remollino
2015, Abril 7

_____________________________________________________

Now That Time Seems All Mine
-Patrizia Cavalli

Now that time seems all mine
and no one calls me for lunch or dinner,
now that I can stay to watch
how a cloud loosens and loses its colour.
how a cat walks on the roof,
in the immense luxury of a prowl, now
that what waits for me every day
is the unlimited length of night
where there is no call and no longer a reason
to undress in a hurry to rest inside
the blinding sweetness of a body that waits for me
now that the morning no longer has a beginning
and silently leaves me to my plans,
to all the cadences of my voice, now
suddenly I would like prison.

No comments:

Post a Comment