Tuesday, April 7, 2015

Tugon Kay Ginoong Liu Ya-Tzu ni Mao Zedong



Naaalala ko pa ang ininom nating tsaa sa Kwangchow,
At mga palitang-tula sa Chungking noong taglagas.
Matapos ang tatlumpung taon, nagbalik ako sa dating bayan,
At sa paghimlay ng tagsibol, sinalat ko ang nakinis mong mga talinhaga.
Kung lalabis ang pagdaramdam, umiwas sana sa pighati,
At lawakan mo ang nasasaklaw ng iyong mga mata.
Huwag mong sabihing mababaw lamang ang lawa ng Kunming.
Kung manonood ng mga isda, mas mainam dito kaysa Ilog Fuchun.

-Salin ni Aris Remollino
2012, Disyembre 24

_____________________________________________________

Reply to Mr. Liu Ya-Tzu
-Mao Zedong

I still remember our drinking tea in Kwangchow
And your asking for verses in Chungking as the leaves yellowed.
Back in the old capital after thirty-one years,
At the season of falling flowers I read your polished lines.
Beware of heartbreak with grievance overfull,
Range far your eye over long vistas.
Do not say the waters of Kunming Lake are too shallow,
For watching fish they are better than Fuchun River.

No comments:

Post a Comment